^

Punto Mo

EDITORYAL — Patuloy, paglutang ng shabu sa dagat

Pang-masa
EDITORYAL — Patuloy, paglutang ng shabu sa dagat

MARAMI na ring nasagip na shabu sa karagatang sakop ng apat na bayan sa Cagayan. Noong ­Hunyo 18, narekober ng mga awtoridad ang P500 milyon halaga ng shabu sa baybayin ng Claveria, Gonzaga, Santa Ana at Sta Praxedes. Pinaniniwalaang marami pa ang napadpad na shabu sa karagatan ng Cagayan.

Sabi ng Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang paghahagis o pagpapaanod sa karagatan ang bagong estilo ng sindikato para maikalat ang droga. Kapag naihagis na sa dagat, sasagipin naman ito ng mga kontak nilang tao. Pawang ang mga nakukumpiskang shabu ngayon ay idinaraan sa dagat. Dagat ang naisip na paraan ng drug syndicates para maikalat ang shabu sa maraming bahagi ng bansa. Sa lawak ng baybayin ng Pilipinas, madaling maipaanod sa dagat ang illegal drugs.

Noong Hunyo 20, nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Navy sa pakikipagtulungan ng PDEA ang P10 bilyong halaga ng shabu sa isang fishing vessel sa karagatan ng Zambales. Nakalagay sa 50 sako ang shabu na tumitimbang ng 1.5 tonelada. Ayon sa PN, ito ang pinakamalaking huli nila sa kasaysayan ng Philippine Navy. Ang fishing vessels ay minamanduhan umano ng mga dayuhan.

Ayon sa PDEA, maaring ang international ­criminal syndicate na “Sam Gor”, na kumikilos sa Asia-Pacific region ang nasa likod ng nasamsam na shabu.

Noong Hunyo 5, nakasagip ng 21 sako ng shabu na nagkakahalaga ng P4-bilyon ang mga mangingisda sa Pangasinan. Sabi ng PDEA na ang mga sako ng shabu ay nakita ng 29 na mangingisda.

Bago iyon, una nang nakarekober ang mga ­mangingisda ng 177 pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P1.17 bilyon habang palutang-lutang sa karagatan ng Agno, Bani at Bolinao ng ­Pangasinan. Agad nilang inireport sa mga awtoridad ang shabu.

Sinabi ng PDEA na ang mga nakuhang shabu sa karagatan ay pag-aari ng Chinese triad. Ayon sa PDEA ang mga pakete ay may Chinese markings at signature trademark na konektado sa Chinese Drug Triad. Ang triad ay malaking sindikato ng droga na nag-o-operate sa Southeast Asia.

Nakababahala ang paglutang nang maraming shabu sa karagatang sakop ng Pilipinas. Maaring hindi lang sa karagatang sakop ng Cagayan, ­Pangasinan, Zambales at Ilocos Sur lulutang-lutang ang shabu kundi sa maraming lugar pa.

Katulungin ng PDEA ang PCG at Philippine Navy upang madaling matukoy ang mga seavessels na nagbabagsak ng droga sa laot. Mas may kakayahan ang PCG at PN kaysa mga mangingisda. Ganunman, dapat pasalamatan ang mga mangingisda dahil hindi lamang isda ang kanilang nahuhuli kundi pati droga. Pasalamatan ang mga mangingisda.

DRUGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with