Lalaki sa Argentina, nakatanggap ng Guinness matapos makapunta sa 152 pubs sa loob ng 24-oras
ISANG lalaki sa Argentina ang nakapagtala ng world record matapos makapunta sa 152 na iba’t ibang pub sa Buenos Aires sa loob ng 24 na oras.
Si Martin Perez ay nagtala ng bagong Guinness World Records title para sa most pubs visited in 24 hours (individual).
Sa rules na inilatag ng Guinness para sa titulong ito, hindi kailangan ni Martin na uminom ng alak sa bawat bar dahil anumang inumin ay puwedeng orderin basta’t sapat ang dami.
Para masungkit ang titulo, maingat ang paghahanda ni Perez kung saan nagrenta siya ng sasakyan, nagdala ng mga witness at notary para i-validate ang bawat pub na napuntahan, at sinamahan pa siya ng isang lokal na opisyal ng siyudad.
Ginawa ni Martin ang hamon hindi lang para makapagtala ng world record kundi para ipakita kung gaano kasigla at makulay ang nightlife ng Buenos Aires.
Natapos niya ang challenge sa loob ng itinakdang oras at lumampas pa sa dating record na 120 pubs.
- Latest