^

Punto Mo

Pitsel (Part 9)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

“SI Tiya Elvira marahil ang sinasabi mo pero namatay siya noong nakaraang taon—ganitong buwan din. Namatay siya sa ospital. Matagal siyang naospital. Diabetic siya. Siya ang may-ari ng bahay na ito na ipinamana naman niya sa akin,’’ sabi ng lalaki na nagpakilalang si Mark.

“Pero siya po ang nagbigay sa akin ng pitsel na may malamig na tubig. Nang isinasauli ko na ang pitsel, walang sumasagot dito. Ilang beses akong kumatok sa gate pero walang sumasagot. Kinabukasan, nagbalik ako dala ang pitsel, pero wala pa rin. Nang sumunod na raw, nagbakasakali ako na may tao na pero wala pa rin.

“Itinago ko na lamang ang pitsel. Iningatan ko dahil magandang klaseng pitsel na made in Egypt pa yata. May mga nakasulat sa ilalim ng pitsel na mga titik na hindi ko maintindihan.”

“Nagtrabaho kasi sa Alexandria, Egypt si Tiya Elvira at nagkaasawa ng Egyptian na archaeologist. Nang mamatay ang asawang Egyptian, bumalik na si Tita dito sa Pinas. Wala silang anak. Dito sa lumang bahay nanirahan si Tita. Hindi ko sana ipagigiba pero masyadong luma at delikado na. Ang mga gamit ni Tita ay itinago ko lahat— ‘yun kasi ang bilin niya sa akin. Masuwerte raw lahat ng mga gamit niya lalo ang mga galing Egypt. Nahukay daw kasi ng mister niya sa disyerto ang ilan sa mga gamit. May nahukay na malapit sa pyramid.”

Nag-isip ako. Hindi kaya ang pitsel na nasa akin ay nahukay malapit sa pyramid kaya masuwerte?

(Itutuloy)

WATER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with