^

Punto Mo

Walong pares ng kambal, sabay-sabay na nag-graduate sa high school sa New York!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Isang kakaibang tanawin ang nakita sa graduation ceremony ng Plainview-Old Bethpage John F. Kennedy High School kamakailan dahil walong pares ng kambal ang nagmartsa kasama ang halos 500 estudyante ng kanilang batch.

Hindi lang basta magkakaklase dahil matagal nang magkaka­kilala ang karamihan sa mga kambal na ito. Ilan sa kanila, mula pa pagkabata, ay magkakasama na sa paaralan at maging ang kanilang mga magulang ay naging magkaibigan.

Hindi ito ang unang pagkakataon na mara­ming kambal ang nagtapos sa nasabing paaralan. Nagkaroon na rin ng mga batch na may mahigit sampung pares ng kambal sa nakaraan. Sa kabila ng kakaibang dami ng kambal ngayong taon, kanya-kanyang landas pa rin ang tatahakin ng karamihan sa kanila pagkatapos ng graduation kung saan may ilan na sabay pa ring papasok sa parehong kolehiyo, ngunit marami ang pipiliin nang bumukod at subukan ang mamuhay nang mag-isa.

Para sa mga kambal na ito, ang pagtatapos ay hindi lamang pagtatapos ng pag-aaral, ito rin ay isang panibagong yugto ng pagtuklas sa sarili, habang patuloy nilang pinapatunayan na ang pagiging kambal ay higit pa sa magkaparehong apelyido o mukha, kundi isang kakaibang ugnayan na dala nila kahit saan man sila makarating.

HIGH SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with