‘Pitsel’ (PART 8)
Makalipas ang eksaktong isang taon mula nang mapasakamay ko ang babasaging pitsel na pinaglagyan ng tubig na binigay sa akin ng babae sa lumang bahay sa subdibisyon, bumalik ako roon para tingnan kung may tao na sa bahay. Hindi ko dinala ang pitsel dahil hindi ako sigurado kung may tao roon.
Pero nagulat ako nang makitang ginigiba na ang lumang bahay. May mga trabahador doon na gumagawa. Nakita ko ang isang lalaki na mga 50-anyos marahil na nagsu-supervise sa mga manggagawa.
Nilapitan ko ang lalaki na mukhang mabait at edukado.
“Magandang umaga po Sir,” bati ko.
“Magandang umaga naman. May kailangan ka ba?”
“Magtatanong lamang po ako kung kilala mo ang babaing nagbigay sa akin ng tubig noong nakaraang taon—ganito rin pong buwan at petsa—magpapasalamat po sana ako. Kasi po, lagi akong nagpupunta rito para isauli ang pitsel pero walang tao.”
Nag-isip ang lalaki.
“Ano pong itsura at edad ng babae?” tanong nito.
“Maganda siya—mga 60 o 70-anyos at naka-puting bestida.”
“Si Tiya Elvira! Patay na siya!”
(Itutuloy)
- Latest