Flocerfida (60)
“Alam ni Cerille ang mga ginagawa ni Florenz?” tanong ni Kikoy kay Daniel.
“Oo. Sinabi rin sa akin ni Cerille na may relasyon na sila ni Florenz. Siya raw ang ipinalit ni Florenz kay Dong.”
Napailing-iling si Kikoy.
“Hindi mo yan nabanggit sa akin noon Pinsang Daniel,’’ sabi ni Makoy.
“Oo. Madalian ang pag-uusap natin nun at isa pa, laging nakasubaybay sa akin si Florenz. Natatakot na ibuking ko ang lihim niya.”
“So ang talagang kakutsaba ni Florenz para patayin si Dong ay si Cerille, ganun ba?”
“Oo. Naniniwala rin kasi si Cerille na nandaya sa hatian ng pera si Dong.”
“Si Fidel anong role sa pagpatay?”
“Taga-abot lang siya ng juice o kape para kay Dong.”
“Alam ni Fidel na ang juice o kape ay may kemikal?”
“Palagay ko hindi niya alam—yun ang pagkaalam ko.”
“At ikaw ay tagasundo at tagahatid lang kay Dong.”
“Oo. Ako rin ang nagsisilbing bantay sa pinto ng kuwarto dahil baka pasukin ng motawa. Bawal ang sugal kasi.”
(Itutuloy)
- Latest