^

Punto Mo

10 palatandaan na ikaw ay nagiging toxic sa iyong sarili

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Palagi mong kinukunsinti ang sarili mong pagkakamali – Imbes na matuto, dinadahilan mo na lang ito palagi.

2. Sobra kang mahigpit sa sarili mo. Hindi mo pinapatawad ang sarili mo sa maliliit na pagkukulang.

3. Pinipilit mong gawing perpekto ang lahat. Hindi ka nasisiyahan sa mga simpleng tagumpay.

4. Pinipigilan mong maramdaman ang emosyon mo. Tinatago mo ang lungkot, galit, o pagod, kahit kailangan mo nang huminga.

5. Palagi mong kinukumpara ang sarili mo sa iba. Nawawala ang kumpiyansa mo dahil sa inggit at insecurity.

6. Hindi ka nagpapahinga kahit pagod ka na. Inuuna mo ang trabaho kaysa sa kalusugan.

7. Pinipili mong manatili sa mga relasyong hindi na maganda. Iniisip mong deserve mo ito o wala ka nang ibang makakasama.

8. Takot kang magkamali kaya hindi ka sumusubok. Inilalagay mo ang iyong sarili sa isang kahon at doon ay nanatiling nagtatago.

9. Sinasabotahe mo ang sarili mong tagumpay. Binabalewala mo ang mga oportunidad o sadyang hindi mo tinatapos ang sinimulan.

10. Hindi mo kayang purihin ang sarili mo. Kahit may nagawa kang tama, iniisip mong hindi ito sapat.

Kung nakaka-relate ka sa ilang mga nabanggit, hindi pa huli ang lahat para baguhin ito. Maaaring simulan sa simpleng self-care at self-awareness.

SARILI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with