^

Punto Mo

NAIA: Mukha ng anomalya, hindi ng pag-unlad

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

PAULIT-ulit ang balita, pero hindi pa rin natututo ang sistema. Ang pag-alis sa limang airport police na sangkot umano sa tinaguriang “60/40 racket” sa NAIA ay tila isa na namang eksena sa mahabang serye ng mga anomalya sa airport.

Muli, sa halip na maayos na serbisyo, panibagong iskandalo na naman ang sumalubong sa mga pasahero sa lugar kung saan dapat sila ay ligtas at kumportable.

Ayon sa ulat, ang raket ay simple ngunit mapang-abuso. May hinihinging porsiyento umano mula sa kita ng taxi drivers kaya napipilitang itaas ang pamasahe kahit hindi makatarungan.

Isang pasahero raw ang siningil ng P1,200 para sa biyahe mula Terminal 1 hanggang Terminal 3. Anong klaseng serbisyo ang ganito?

Mabuti na lamang at agad itong inaksyunan ng Department of Transportation, alinsunod sa direktiba ni President Marcos Jr. para sa zero tolerance sa katiwalian.

Ngunit ang tanong ng publiko, hanggang saan aabot ang imbestigasyon? At may mapaparusahan ba talaga, o gaya ng dati, mauuwi lang sa lipat-puwesto at pagkalimot?

Hindi ko sinasabi kung sino ang may kasalanan. Nararapat lamang na ang hustisya ay pairalin sa pamamagitan nang maayos na proseso.

Pero dapat din nating igiit na ang pananagutan ay hindi nagtatapos sa suspensiyon.

Kung may mapatunayang lumabag sa batas o sa pamantayan ng serbisyo publiko, dapat silang tanggalin, kasuhan, at huwag nang hayaang makabalik sa anumang posisyon ng kapangyarihan.

Ang masaklap, hindi ito ang unang beses na may reklamo ng overpricing, kotong, o abusong pamamalakad sa NAIA. Kung hindi ito uubusin sa ugat, lalabas at lalabas muli ang mga ganitong klase ng isyu.

Ang airport ay mukha ng bansa. Kung dito pa lang ay may reklamo na ng pananamantala, paano mahihikayat ang mga turista na bumalik? Paano mapaniniwala ang mga Pilipino na sila ay pinahahalagahan?

Hindi sapat ang pagpapogi sa press release. Ang kailangan ay tapang, hustisya at totoong pagbabago.

KALUSUGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with