^

Punto Mo

EDITORYAL - Itawag sa 911 ang bullying sa school

Pang-masa
EDITORYAL - Itawag sa 911 ang bullying sa school

KUNG may problema ang magulang o estudyante sa bullying sa school, itawag ito sa hotline 911 at ang mga pulis ang pupunta sa school at makikipag-coordinate sa school authorities. Sa ganitong paraan, maaagapan at mapipigilan ang bullying sa school at hindi na hahantong sa malubhang sitwasyon. Kadalasang ang bullying ay nauuwi sa malagim na kamatayan.

Sinabi ni PNP chief Gen. Nicolas Torre III, mahigpit nilang binabantayan ang bullying bilang isa sa mga pangunahing alalahanin sa pagbubukas ng klase ngayong school year 2025-2026. Ginawa ni Torre ang pahayag noong Lunes sa pag-uumpisa ng klase sa public school. Tiniyak ng PNP chief sa mga magulang na prayoridad ng PNP ang kaligtasan ng mga mag-aaral.

Ang hakbang ni Torre laban sa mga ­nangyayaring bullying sa school ang maaring kasagutan sa mga nagaganap na karahasan. Ang pambu-bully ng estudyante sa kapwa niya estudyante ay isa sa mga problemang dapat masolusyunan at hindi dapat binabalewala ng mga namamahala sa school. Humahantong sa madugong paghihiganti ang bunga ng pambu-bully. Natatanim sa isipan ng biktima ang ginawa sa kanyang pambu-bully at hindi siya natatahimik hangga’t hindi nakagaganti.

Isang patunay dito ang nangyari sa Moonwalk National High School sa Parañaque noong Abril nang pagsasaksakin ng Grade 8 student na lalaki ang kanyang classmate na babae. Ang dahilan nang pananaksak: binully umano siya ng classmate na babae. Ayon sa pulisya, nagdala ng kitchen knife ang lalaki na itinago sa backpack. Nang mag-recess, nilapitan ng lalaki ang babae at pinagsasaksak nang maraming beses sa harap mismo ng mga kaklase. Isinugod sa ospital ang babae pero namatay din ito.

Ayon sa ina ng biktima, nabanggit daw ng anak na pinagbantaan siya na papatayin ng kaklaseng lalaki. Hindi umano pinansin ng ina ang sinabi ng anak. Hanggang sa maganap ang karumal-dumal na kamatayan. Hindi nabatid kung anong pambu-bully ang ginawa ng babae sa lalaki para siya saksakin.

Ang Pilipinas ay tinaguriang “bullying capital of the world”. Nagpapatunay na maraming nagaganap na pambu-bully sa mga eskuwelahan. At ang mga ito ay hindi namo-monitor ng mga guro at principal mismo. At maski ang mga magulang ay nagkaroon din ng pagkukulang na alamin ang mga nangyayari sa kanilang anak habang nasa school.

Sikapin ng DepEd na matigil na ang mga nagaganap na bullying sa mga eskuwelahan. Ngayong katuwang na nila ang PNP, wala nang dahilan para hindi mapigilan ang pambu-bully ng estudyante sa kapwa estudyante.

BULLYING!

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with