^

Punto Mo

‘Pitsel’ (Part 5)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

MARAMING beses akong dumaan sa bahay at tumawag sa babaing nagbigay ng tubig sa pitsel subalit walang sumasagot. Ilang minuto akong naghintay pero walang lumalabas mula sa bahay.

Nagkataon lang kaya na kapag dumadaan ako sa tapat ng bahay ay walang tao o talagang wala nang nakatira sa bahay.

Kaya wala akong nagawa kundi iuwi na lamang ang pitsel. Sa ibang araw ko na lamang susubukang isauli ang pitsel. Baka nagkakataon lang na kapag dumadaan ako at tumatawag sa bahay ay walang tao.

Gusto ko ring magpasalamat sa babaing nagbigay ng tubig. Bihira rin kasi ang homeowner na nagbibigay ng tubig sa mga basurerong tulad namin. Isa pa, gusto kung maisauli ang pitsel dahil sa tingin ko ay mahusay na gamit yun.

Tinanong ako ng kasamahan kong si Felix kung naisauli ko na ang pitsel.

“Hindi pa—laging walang tao.”

“Huwag mo nang isauli! Mumurahin naman ang pitsel na yun. Baka nga patapon na kaya yun ang pinaglagyan ng tubig. Maraming pitsel na ganun sa Divisoria—mumurahin!”

Hindi na ako sumagot kay Felix.

Itinago ko ang pitsel sa inuupahan kung kuwarto. Iningatan ko at baka mabasag. Inilagay ko sa box.

Mula nang itago ko ang pitsel, nagtaka ako sa mga pagbabagong nangyari sa aking buhay. Kabilang dun ang pagluwag ng pera. Dati, kinakapos ako pero nang mapasaakin ang pitsel, may natitira pa sa suweldo ko. Nag-aabot sa sunod na suweldo.

(Itutuloy)

KARANASAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with