^

Punto Mo

Florcerfida (56)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“Oo, Pinsang Makoy—marami pa akong sasabihin. ‘Yung mga sinabi ko sa’yo nun, kaunti lang yun,’’ sabi ni Daniel at bahagyang hinipo ang kanang tagiliran.

“Hindi ka na natatakot magsalita kahit may makarinig, Pinsan,’’ tanong ni Makoy at sumulyap kay Kikoy.

“Hindi na, Pinsan. Gaya ng sabi ko sa’yo, kapag pala malapit ka nang kunin ni Lord, sasabihin mo na ang lahat-lahat. Wala ka nang itatago. Mas lalo pa ako na wala naman akong direktang kinalaman sa pagkamatay ni Dong. Ang naging kasalanan ko—hindi ko siya dinala sa ospital kahit namimilipit sa sakit. Kasi’y natakot ako na mapagbintangan kapag may nangyari kay Dong. Ayaw kong makulong kaya kahit na kasalanan ang pag-abadona sa isang taong nasa panganib, iniwan ko si Dong.’’ tumigil sa pagsasalita si Daniel at bahagyang diniinan ang kanang tagiliran at napapikit. Halatang masakit ang tagiliran ni Daniel dahil sa apektadong atay. Lalong namutla at nanilaw ang mga mata.

“Sori at napatigil ako, Pinsan. Kumikirot kasi ang tagiliran ko na umaabot hanggang balikat.”

“Huwag ka na munang magsalita, Pinsan.”

“Kaya ko pa naman, Pinsang Makoy. Gusto ko kasing samantalahin na narito kayo ni Kikoy para malaman n’yo ang lahat-lahat. Marami pa akong isisiwalat ukol sa pagkamatay ni Dong. Kapag naisiwalat ko ‘yun, baka mabawasan ang dinadala ko. Nakokonsensiya kasi ako dahil nga napabayaan ko si Dong. Kung dinala ko si Dong sa ospital baka nadugtungan pa ang buhay niya.”

“Ano pa ang mga ipagtatapat mo Pinsan?’’ tanong ni Makoy kay Daniel.

Tumingin si Daniel kay Makoy at pagkatapos ay kay Kikoy. (Itutuloy)

FLORCERFIDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with