^

Punto Mo

EDITORYAL - Bangis ni Torre sa 5-minute response

Pang-masa
EDITORYAL - Bangis ni Torre sa 5-minute response

WALONG chief of police sa National Capital Region (NCR) ang sinibak ni PNP chief Nicolas Torre III dahil sa kabiguang makaresponde sa krimen sa loob ng limang minuto. Ang mga sinibak na chief of police ay mula sa Caloocan, Makati, Mandaluyong, Marikina, Navotas, Parañaque, San Juan at Valenzuela. May mga susunod pa umanong masisibak na hindi lamang sa NCR kundi pati sa Central Visayas. Ipinatutupad din ang “5-minute response” sa Central Luzon at Calabarzon.

Kung noon ang eksena ay dumarating ang mga pulis kapag tapos na ang krimen at nakatakas na ang mga criminal, ngayon ay hindi na ayon kay Torre. I-dial lamang ang 911 at sa loob ng limang minuto ay darating na ang mga pulis. Huwag na rin daw hanapin sa presinto ang mga pulis sapagkat nasa telepono na ang mga ito.

Hindi raw maaatraso ang pulisya sa pagtugon sa mga tawag ng mamamayan na nasa panganib.

Ayon pa kay Torre, sisiguruhin daw nila na ang bawat tawag ay maaaksiyunan anumang oras. May maayos na umano silang kagamitan. Maayos na rin daw ang deployment ng mga pulis na sinanay sa pagtugon sa mga biglaang pangangailangan.

Sinabi ni Torre na sa ilalim ng mga matapang na reporma, tinatahak ng PNP ang landas tungo sa isang mas matalino, mabilis at tumutugong modelo ng pulisya na nakasandig sa propesyonalismo, paggalang sa kara­patang pantao, pagsunod sa batas, at matatag na dedikasyon sa kaligtasan at tiwala ng publiko. Sinabi pa ng PNP chief na sa maayos na pagtupad ng mga pulis sa kanilang tungkulin, maibabalik ang nawalang tiwala ng publiko.

Noon pa hinahangad ng mamamayan na magkaroon ng mga pulis na nagroronda sa kalsada. Ayon sa kanila, kapag may pulis na nagpapatrulya, napapanatag ang kanilang kalooban. Nararamdaman nilang ligtas sila sa mga masasamang loob. Hindi sila nangangamba na may hahablot sa kanilang bag at cell phone at pipitas sa kanilang hikaw at kuwintas. Panatag silang walang tututok sa kanila ng baril at kutsilyo at sasamsamin ang kanilang pitaka, wallet at iba pang gamit.

Nakabaon na sa isipan ng mamamayan ang pa­ngako ni Torre sa kanyang “5-minute response policy”. Maraming umaasa na ito ay hindi sa umpisa lamang kundi sa habampanahon. Hindi ito mauuwi sa ningas-kugon katulad ng mga naranasan ng mamamayan sa mga naging PNP. Totoong aksiyon laban sa kriminalidad ang kanilang inaasam at hinahangad.

NICOLAS TORRE III

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with