Bakit hindi dapat makipagbalikan sa karelasyong ‘toxic’?
1. Hindi ka lumalago bilang tao. Sa halip na makatulong sa iyong personal na pag-unlad, pinipigilan ka ng toxic na relasyon na lumago, matuto, at maging mas mabuting bersyon ng sarili mo.
2. Kakulangan sa tiwala at respeto. Kung nawawala na ang tiwala at respeto, mahirap na itong buuin muli. Ang relasyong walang respeto ay unti-unting sumisira sa pagkatao.
3. Paulit-ulit na sakit at trauma. Kung palaging may sigawan, sumbatan, emotional abuse o panlalamig, inuulit mo lang ang cycle ng sakit sa tuwing nagkakabalikan kayo.
4. Hindi ka ligtas—emosyonal o pisikal. Ang toxic na relasyon ay maaaring magdulot ng emotional abuse, verbal abuse, o pisikal na pananakit na ang resulta minsan ay kamatayan.
5. Negatibong epekto sa iyong mental health. Stress, anxiety, depresyon—karaniwang epekto ng pakikipagrelasyon sa taong paulit-ulit kang sinasaktan.
6. Hindi nagbabago ang ugali ng karelasyon. Kung pinangakuan kang magbabago siya pero walang konkretong aksiyon, huwag kang umasa sa mga salita lamang.
7. Nawawala ang tunay mong sarili. Maaaring napapabayaan mo na ang sarili mong mga pangarap, kalayaan, o mga mahal sa buhay dahil abala sa pagsubok na “ayusin” ang isang relasyon na hindi na maayos sa umpisa pa lang.
8. Panandaliang saya, pangmatagalang sakit. Maaaring may kasamang lambing at kilig paminsan-minsan, pero ang sakit at bigat sa puso ang palaging natitira sa dulo.
9. May mas higit na nararapat para sa iyo. Hindi mo makikita ang tamang tao kung patuloy kang nakakulong sa maling relasyon.
10. Ang pagmamahal ay hindi sapat kung walang respeto, tiwala, at kaligayahan. Hindi dapat pinipilit ang relasyon kung puro sakit ang binabalik nito sa iyo.
- Latest