^

Punto Mo

‘Pitsel’ (Part 3)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAISIP kong baka natutulog ang babae kaya hindi narinig ang aking pagtawag. Ipinasya kong dalhin pauwi ang pitsel at kinabukasan ko na lamang isasauli. Ipapaliwanag ko na lamang sa babae bukas na matagal akong kumatok sa pinto para matawag ang pansin.

Mabigat ang baba­saging pitsel. Nang hinu­gasan ko ito at sinabon ay makintab na makintab ang pitsel. Ipinatong ko sa maliit na mesa na aking kinakainan.

 

KINABUKASAN, dinala ko ang pitsel para isauli sa babae.

Tumawag ako sabay katok sa bakal na gate.Gamit ang barya, yun ang ginamit kong pangkatok sa gate.

Subalit maraming beses na akong kumakatok pero walang lumalabas. Naisip ko, baka umalis ang babae—baka unuwi ng  probinsiya o may nilakad na papeles.

Umalis na ako.

Bukas, ko na lang dadalhin muli ang pitsel para isauli. Pero paano kung wala na naman?

Napabuntunghininga ako.

(Itutuloy)

KARANASAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with