^

Punto Mo

PNP, handa na sa Oplan Brigada Eskuwela!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

Maging sa harapan, sa tagiliran at sa mga kalye patungo sa mga eskuwelahan ay bantay-sarado ng kapulisan para siguraduhin na ligtas ang libu-libong estudyante sa pagbukas ng klase ngayong araw. Nagbabala si PNP chief Gen. Nicolas Torre III sa mga kawatan at iba pang kriminal na ‘wag i-take advantage ang sitwasyon dahil tiyak sila ay malilintikan.

Halos 37,000 pulis ang ikinalat ni Torre sa mga eskuwelahan upang protektahan ang mga estudyante, lalo na ‘yung nasa elementary level pa lang. Kapag may nakita silang mga kahinahinala ang kilos, hinikayat ni Torre ang mga estudyante na i-report kaagad ito sa pinakamalapit na pulis para sa agarang aksiyon.

Nasa normal alert pa ang PNP subalit may discretion ang mga regional directors na itaas ito depende sa namamayaning sitwasyon sa kanilang lugar. Dipugaaa! Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sinabi ni PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo na nagsimula na ang soft deployment ng kapulisan sa Oplan Brigada Eskuwela noon pang Huwebes. Malaking bahagi sa mga pulis ay tatao sa 5,000 Police Assistance Desks (PADs) sa harap at iba pang bahagi ng eskuwelahan.

Ang 10,000 pulis sa PADs ang nakatokang giyahan ang mga magulang at mga bagong estudyante o pupils kung saan ang kani-kanilang silid-aralan, ani Fajardo. Maliban sa nakatao sa PADs, ipinaliwanag ni Fajardo na magkakaroon din ng mga mag-iikot na beat at mobile patrol.

Iginiit ni Fajardo na kasama sa trabaho ng PNP ang magbigay ng seguridad sa pagbukas ng klase upang mag-provide ng public safety, katuwang ang LGUs at AFP.

“On the part ng PNP, siyempre ang lagi nating pangunahing trabaho ay siguraduhin na ­magiging ligtas at secure yung ating mga estudyante nag magbabalik sa kani-kanilang eskwelahan,” ani Fajardo. Mismooo! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Dahil pumasok na ang tag-ulan, sinisiguro ni Fajardo na handa na din ang PNP para mag-provide ng public service dun sa lugar na may konting pagbaha. “Kung kinakailangan na magsasagawa tayo ng mga preemptive evacuation at saka yung ibang assistance ay laging ready diyan ang ating kapulisan. Dahil alam naman natin na yung pulis natin ay talagang sila lagi yung first responders pagka may ganitong mga sitwasyon,” ani Fajardo.

Hindi lang ‘yan, sa isinagawa ng PNP na monitoring sa Brigada Eskuwela, kayang-kaya na ng Department of Education na tugunan ang pangangailangan ng mga estudyante at guro, ang sabi pa ni Fajardo. Aniya, maging si President Bongbong Marcos ay gustong maging mapayapa ang pagbukas ng klase kaya binisita niya kamakailan ang isang eskuwelahan sa Bulacan. Ganun na nga!

Upang siguruhin ang seguridad ng eskuwelahan, inutusan ni Torre ang lahat ng field commanders na makipag-dialogue sa mga school principals o administrators para alamin ang mga particular concerns ng kanilang schools para mabigyan solution kaagad ang mga ito.

Nanawagan si Torre na ‘wag payagang lumabas ng gate at manatili lang sa loob ng eskuwelahan ang mga bata o paslit na estudyante at hintayin ang kanilang sundong magulang o guardian. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Inamin ni Fajardo na iba na ang trend sa ngayon dahil ang tumataas ay ang mga cyber-related crimes. Ang mga traditional crimes tulad ng theft at salisi ay kapiranggot na lamang. Pinag-iingat ni Fajardo ang mga estudyante sa kanilang cell phones dahil ito ang paboritong nakawin ngayon. Abangan!

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with