^

Punto Mo

‘Pitsel’ (Part 1)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

Basurero ako. Sampung taon na ako sa trabahong ito. Bagamat mahirap ang trabaho, nagtitiyaga ako dahil ito lamang ang inaakala kong trabaho na maa­ring pasukan para mabuhay. Pero umaasa pa rin ako at ­nangangarap na baka magkaroon din ako nang maayos na trabaho. Mabuti na lamang at wala pa akong pamilya—kung meron, tiyak na hindi kakasya ang kinikita ko sa pagiging basurero para buhayin ang pamilya.

First year high school lamang kasi ang naabot ko sa pag-aaral. Hindi na ako nakapag-aral dahil maagang namatay ang aking mga magulang. Nag-iisa lamang akong anak. Mula sa probinsiya ay lakas-loob akong nagtungo sa Maynila para maghanap ng trabaho. Nakituloy ako sa isang kaibigan at kaklase.
Nang matanggap akong basurero, nag-bed space ako. Basta may matulugan ay okey na. Kaya kong magtiis.

Araw-araw ang pagkolekta namin ng basura sa mga private subdivision. Maraming basura kahit araw-araw kolektahin.

Pinakamahirap kapag summer. Halos lumawit ang aming dila sa sobrang init at pagod. Hindi naman puwedeng magpahinga sapagkat marami pang kokolektahin sa iba pang subdibisyon.

Isang summer na sobra ang init—umaga pa lang ay parang piniprito na kami sa init.

Naubusan kami ng baong tubig.

Sabi ng mga kasamahan ko sa akin, humingi ako ng tubig sa bahay na kokolektahan namin ng basura.

Pagtapat sa isang puti at lumang bahay, humingi ako ng malamig na tubig. Lumabas ang isang babae na mahaba ang buhok at nakaputing bestida.

“Mam pahingi po ng tubig, uhaw na uhaw po kami. Eto po ang lalagyan.”

Napatango ang babae. Hindi kinuha ang iniaabot kong plastic container. Pumasok sa bahay ang babae. Makalipas ang ilang sandali ay lumabas ito at may dalang pitsel na puno ng malamig na tubig. Nagpapawis ang pitsel sa lamig.

(Itutuloy)

PITSEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with