^

Punto Mo

Flocerfida (53)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

Nagtungo sina Kikoy at Makoy sa Bgy. Tejeros, Makati. Sumakay sila ng dyipni sa Herran na may signboard na Guadalupe. Dadaan sa JP Rizal ang dyip. Pagsapit sa H. Santos St. ay bababa na sila at lalakarin na lamang ang kina Daniel.

“Ilang beses ka nang nakarating kina Daniel, Mak?” tanong ni Kikoy nang nasa dyip na sila.

“Pangalawa pa lang ito. Ang una ay matagal na. Nagdala ako ng chocolate sa asawa at anak ni Daniel. Pinakisuyo sa akin.”

“Vacation ka nun?”

“Oo.”

“Nakita mo agad ang sa kanila?”

“Nahirapan ako. Sabi kasi ni Daniel sa BLISS daw. Yun pala malapit sa BLISS. Halos katabi ng BLISS. Apartment.”

“Sarili nila?”

“Nangungupahan yata. Nagtataka nga ako dahil malaki naman ang kita sa Saudi pero hindi makapagpundar ng sariling bahay.”

“Baka dahil nalulong sa sugal?”

“Palagay ko nga. Matagal na ring nagsa-Saudi si Daniel.”

“Maraming nalulong sa sugal sa Saudi ano?”

“Oo.”

Maya-maya, narating na nila ang H. Santos St. Bumaba sila. Nilakad ang H. Santos. Maraming tao sa kalye. Maraming ­bata na naglalaro.

Nakita nila ang BLISS. Parang mga tenement na pumangit ang itsura.

Sa tabi ng BLISS ang apartment nina Daniel.

Kumatok si Makoy. Tinawag si Daniel.

(Itutuloy)

FLOCERFIDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with