^

Punto Mo

‘Bigas’ (Part 16)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

“AKO po Mam Chato?”

“Oo. Baka gusto mong magtrabaho sa akin. Tutal naman at tapos ka na ng kolehiyo. Magagamit mo ang iyong Business Management course sa negosyo ko sa probinsiya. Kahit magkanong suweldo ibibigay ko sa iyo. Ang gusto ko kasi ay taong masinop sa bigas, palay at iba pang agri products. Sa totoo lang Noel, napapagod na ako sa pagma-manage sa negosyo ko sa probinsiya. Tamang-tama na nasa iyo lahat ang qualifications na hinahanap ko. Ano Noel, pumayag ka na?”

“E, iisipin ko po Mam Chato.”

“Huwag mo nang isipin dahil malaki ang ipasusuweldo ko sa’yo.”

“E teka po..”

“Kasi gusto ko rin na may kasama roon si Kat. Dun ko rin kasi siya pagtatrabahuhin. Tamang-tama rin ang kursong natapos niya para mamahala sa mga negosyo ko.”

“Dun din po magtatrabaho si Kat, Mam Chato?”

“Oo. Pasusuwelduhin ko rin siya nang malaki. Hindi kayo maiinip dun dahil maganda ang tirahan. Malapit sa palengke, store at iba pa—at malapit sa beach.”

“Sige po Mam Chato, ­payag na ako. Sure po ba na kasama ko roon si Kat.”

“Oo.”

Masayang-masaya ako.

May trabaho na ako at kasama ko pa si Kat! (Itutuloy)

RICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with