^

Punto Mo

Higanteng lapis sa isang bayan sa U.S., tinatasahan taun-taon!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

TUWING unang sabado ng Hunyo, nagtitipon ang mga residente ng Lake of the Isles sa Minneapolis upang saksihan ang kakaibang tradisyon: ang pagtasa ng isang 20-talampakang higanteng lapis.

Nagsimula ang tradisyong ito matapos masira ng bagyo ang isang lumang oak tree sa bakuran nina John at Amy Higgins. Imbes na hayaan na lang itong mabulok, ginawan nila ito ng panibagong saysay sa pamamagitan ng pagpapaukit nito bilang isang dambuhalang lapis, isang bagay na pamilyar at mahalaga sa bawat tao, bata man o matanda.

Ang taunang pagtasa ay naging simbolo ng pagpapanibago at pagkakaisa ng komunidad. Bawat taon, gamit ang isang custom-made na higanteng sharpener, tinatasahan ang lapis bilang paalala na may bagong simula at pagkakataong magsulat ng panibagong kuwento: para sa sarili, pamilya, o komunidad.

Ang seremonya ay sinamahan ng party, musika, at kakaibang kasuotan, na sumasalamin sa pagiging bukas at malikhain ng mga residente.

Hindi man permanente ang lapis, tinatanggap ng komunidad na unti-unti itong umiiksi sa bawat pagtasa. Para sa kanila, mahalaga ang mensahe na gaya ng lapis, ang buhay at pagkakaisa ay dapat patuloy na pinapatalas at binibigyang saysay, kahit pa may kailangang isakripisyo upang bigyang daan ang panibagong yugto taun-taon.

 

PENCIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with