‘Krusipiho’ (Last Part)
MARAMING nagawang tulong sa akin ang krusipho na pinamana ni Lolo Fernando. Ilang beses akong nailigtas sa kapahamakan. Noong nag-aaral pa ako ay natutulungan ako sa aking mga aralin at mahihirap na pagsusulit.
Nang kumuha ako ng board exam ay kabilang ako sa top 10.
Nagkaroon ako ng magandang trabaho. Nabigyan ko ng magandang bahay sina Itay at Inay at natulungan ko ang aking kapatid.
Pero pati sa paghanap ng babaing makakasama sa buhay ay tinulunagn ako ng krusipiho.
Nakilala ko Kristie isang araw na ako ay nasa Ayala, Makati. Nagkasabay kami sa elevator. Patungo ako sa 10th floor at siya sa 15th. Matatakutin pala siya sa elevator. Sabi niya sa akin, huwag daw muna akong lumabas at pakihatid siya sa 15th. Hindi rin daw siya pamilyar sa pag-open ng pinto ng elevator. Pumayag ako.
Iyon ang simula at nagkakilala kami at naging magkasintahan.
Pero bago iyon, matagal na akong humihingi ng tulong sa krusipiho na bigyan ako ng babaing mamahalin habambuhay.
Sinagot ako ng krusipiho sa aking panalangin.
- Latest