Florcerfida (31)
HABANG nasa dyip si Kikoy pauwi, malaking palaisipan sa kanya kung bakit ayaw ni Makoy na pumunta sila sa San Pablo para madalaw ang libingan ni Dong at makilala na rin nito si Tatay Victor. Nakapagtataka dahil si Dong ang lagi niyang kabarkada sa Saudi. Ipinagmalaki pa nga ni Makoy na kahit saan pumunta si Dong ay isinasama siya nito.
Nagtataka rin si Kikoy nang sabihin ni Makoy na huwag na nilang pag-usapan si Dong dahil naninindig ang balahibo nito.
May nalalaman kaya si Makoy sa pagkamatay ni Dong? Baka nga totoo ang sapantaha ni Tatay Victor na may “foul play” sa pagkamatay ng kanyang anak.
Parang umiiwas si Makoy na pag-usapan ang tungkol sa pagkamatay ni Dong. Baka nga sadyang pinatay si Dong.
Kailangang mapagsalita niya si Makoy. Pipilitin niya na ipagtapat ang nalalaman.
SABADO. Pasado alas nuwebe. Dumating si Makoy. Nabosesan agad niya ito nang tumawag.
“Kikoy! Kikoy!”
Lumabas siya at pinapasok si Makoy.
“Okey ang tirahan mo, Kikoy,” sabi ni Makoy nang makapasok.
“Mahal ang upa pero sulit naman—tahimik, malakas ang tubig, hindi binabaha.”
“Ayos na ito, Kiks.”
“Oo! Baka magtagal na ako rito.” (Itutuloy)
- Latest