‘Krusipiho’ (Part 13)
NAGTAKA ako nang pagsapit namin sa Quiapo ay pasulyap-sulyap sa akin ang taxi drayber. Tinitingnan niya ako sa rear-view mirror.
Ganunman, hindi ko pinansin. Baka napapatingin lang siya sa akin dahil magara ang suot ko—naka-coat ako at mukhang kagalang-galang. Baka nagtataka lang dahil gabing-gabi ay kuntodo ganda ng suot ko.
Pero nang sumapit kami sa tapat ng Metropolitan Theatre ay lalo nang kapansin-pansin ang madalas niyang pagsulyap sa akin na para bang naghihintay ng pagkakataon o naghahanap ng tiyempo.
Ganunman, hindi ako nagpahalata.
Nagpatuloy sa pagtakbo ang taksi. Dumaan kami sa tapat ng Manila City Hall, sa tapat ng National Museum at nakarating sa kanto ng Roxas Blvd. malapit sa Luneta. Dapat kakaliwa sa Roxas Blvd. pero kumanan ang taxi at tinumbok ang patungo sa Port Area.
Kinabahan na ako. Hindi roon ang patungo sa hotel na pagdarausan ng junior-senior prom namin.
Nagsalita na ako. “Mama, hindi rito ang patungo sa hotel. Ibalik mo. Mali ang dinaanan mo!”
Pero sa halip na ibalik o mag-u-turn, lalo pang binilisan ng driver ang pagpapatakbo.
Hanggang sa makarating kami sa rotunda o Anda Circle. Kinabahan na ako. Palayo na nang palayo.
“Saan mo ako dadalhin Mama! Ibalik mo ako” sigaw ko.
(Itutuloy)
- Latest