^

Punto Mo

EDITORYAL — Amyendahan ang party-list system

Pang-masa
EDITORYAL — Amyendahan ang party-list system

MAY depekto ang party-list system kaya nararapat amyendahan. Kung hindi maaamyendahan, lalong darami ang mga magnanais na makakuha ng akreditasyon sa kabila naman na hindi sila tunay na kumakatawan sa marginalized sectors ng lipunan.

Maski ang Commission on Elections (Comelec) ay isinusulong na amyendahan ang Party-list System Law upang makatiyak na talagang lehitimong grupo na kumakatawan sa mga naghihikahos sa buhay. Sabi ni Comelec chairman George Erwin Garcia, gusto niyang maisulong ang pag-amyenda sa batas upang magkaron ng lehitimong representante ang margina­lized and underrepresented sectors.

Noong Lunes, ipinroklama na ng Comelec ang 52 party-list groups na nanalo sa nakaraang May 12 elections. Nanguna ang Akbayan na sinundan ng Tingog party-list sa mga nanalo. Ang Duterte Youth party-list na isa rin sa mga nangunguna ay hindi pinroklama ng Comelec dahil may nakahain ditong disqualification case. Ang BH party-list ay hindi rin pinayagang maiproklama dahil din sa katulad na kaso.

May katotohanan na ang party-list ay hindi na marginalized and underrepresented. Kaya nararapat lamang na magkaroon na ng reporma. Marami ang nagsasabing dapat na itong buwagin dahil ginagamit ito ng mga political clan para palawakin at panatilihin ang kanilang pamilya sa kapangyarihan.

Isang linggo bago ang May 12 elections, sinabi ng grupong Kontra Daya na 55.13 percent ng 156 ­party-list groups na nabigyan ng accredidation ay kabilang sa political dynasties, malalaking kompanya, mga pulis at military. Nalaman din ng Kontra Daya na may party-list groups na may mga nakabinbing kaso ng korapsiyon samantalang ang iba pa ay may mga kahina-hinalang adbokasiya.

Sabi naman ng Center for People Empowerment and Governance (CenPEG), ang mga nominado sa party-list ay pawang nagmula sa political dynasties, retired government officials, at mayayamang ­negosyante. Na­ngingibabaw umano ang mga elite na hindi ­nagsusulong ng kapakanan ng mga maliliit at naghihikahos sa lipunan.

Mainam kung mabubuwag ang party-list system gaya nang mungkahi nang nakararami. Pero hindi ganito kadali para buwagin ang party-list system sapagkat ang tututol mismo ay ang mga nakaupo na. Papayag ba silang basta buwagin ang kinauupuang trono. Ang mga mambabatas na nakikinabang sa party-list ang unang tututol dito. Kaya dapat pag-aralan ang mungkahi ng Comelec na amyendahan ang Republic Act 7491. Maaring sa pag-amyenda, magkaroon ng pagbabago sa party-list at hindi na uubra ang mga makapangyarihan at mapang-abuso.

PARTY-LIST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with