Torre, isinasama sa kandidato sa pagka-PNP chief!
CONTINUITY! ‘Yan po ang mariing tagubilin ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil sa kung sinumang mapili na papalit sa kanya sa June 7. “I don’t go for legacy. Gusto naming continuity. Dapat tuluy-tuloy ‘yung reform, ‘yung pagbabago, ‘yung improvement,” ani Marbil. Binanggit din ni Marbil na dapat ialagwa pa ang promotion system sa PNP, lalo na ang pag-training ng mga opisyales.
“Mandatory continuous learning, education about the law, ‘yun ang gusto natin,” ang dagdag pa ni Marbil. May punto naman si Marbil dahil karamihan ng mga bagong upong PNP chief ay tinatalikuran ang prevailing na reporma at pagbabago at isinisingit ang kanilang gustong programa para maalala ang liderato n’ya.
Legacy ba ‘yun? Kaya ang resulta, nagbunga ito ng pagkalito sa rank-and-file, lalo na ‘yung nakadestino sa laylayan ng Pinas. Pero kung tuluy-tuloy lang ang mga programa at proyekto, may peace of mind ang kapulisan dahil alam nila walang pagbabago sa mga alituntunin ng PNP, lalo na sa papeles pagdating sa promotions. Eh di wow!
May napupusuan tiyak si Marbil kung sino ang gusto n’yang papalit sa kanya. Kaya lang pinili n’yang ‘wag ibulgar ito sabay sabing lahat naman ng mga kandidato ay qualified. “Lahat po sila magagaling. They have their own strengths and weaknesses. Lahat po sila capable of leading the Philippine National Police. Ang gagaling po ng mga ’yan. I can assure these people are very good,” ang papuri pa ni Marbil sa mga kandidato.
Paulit-ulit ako pero ang mga kandidato ay sina Lt. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez, Lt. Gen. Edgar Allan Okubo, Maj. Gen. Nicolas Torre III at Maj. Gen. Anthony Aberin. Lahat naman sila may kanya-kanyang gimik sa social media na gigiya kay President Bongbong Marcos para pagpilian niya. Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!
Kung sabagay, tama naman si Marbil na qualified lahat itong apat na kandidato dahil may kanya-kanyang katangian ang mga ito, lalo na’t na-assign lahat sila sa iba’t ibang bahagi ng Pinas. ‘Ika nga marami rin silang accomplisments na ipinagmamalaki nila at ang kanilang mga naging tauhan ang testigo riyan. Kaya lang, hindi naman maisantabi ang accomplishments ni Torre sa mga kaso nina KOJC Pastor Apollo Quiboloy at ang pagbiyahe ni Tatay Digong sa ICC sa The Hague, Netherlands.
Ang masama pa, nabanggit pa ni BBM ang mabilis na response time dapat ng PNP sa krimen, droga at iba pang kaguluhan kung saan parang hint na ito. Sanamagan! Kaya relax-relax lang muna tayo mga kosa dahil malayo pa ang June 7. ‘Wag lang kumurap at bantayan kung sino ang ipinatawag sa Palasyo sa apat at tiyak s’ya na ‘yun. Dipugaaa! Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Mukhang winalis na ni Marbil sa kanyang isipan ang kanyang second extension. Aniya, he’s looking forward sa kanyang retirement upang ialay ang mahabang oras sa piling ng kanyang pamilya. “I will be spending most of my time with my family kasi we already spent so much time with our work,” giit pa n’ya.
Si Marbil, ang 30th PNP chief, ay ini-apoint ni BBM noong April 1, 2024. Dapat siyang mag-retire noong February 7 kaya lang na-extend ang termino niya upang pangalagaan ang May 12 elections. Pumasa naman si Marbil with flying colors. Marami pang programa si Marbil na kung ipagpatuloy lang ay mag-aangat sa imahe ng PNP. Ambot sa kanding nga may bangs!
Samantala, ang umiikot sna Marites sa Camp Crame ay ang bilin ni BBM na kapag magsumite ng kandidato sa pagka-PNP chief, dapat isama ang pangalan ni Torre. Totoo kaya ito mga kosa? Hehehe! Simple lang pero rock! Abangan!
- Latest