^

Punto Mo

Florcerfida (29)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI agad nakapagsalita si Kikoy sa sinabi ni Makoy na naninindig daw ang balahibo niya kapag pinag-uusapan ang pagkamatay ni Dong. Kaya kung maari ay ayaw na niyang pag-usapan ito.

“Bakit naman Makoy? Bakit naninindig ang balahibo mo?”

“Basta ‘yun ang ­nararamdaman ko. Kaya mabuti nga at hindi ako nagprisinta na samahan ang paghahatid ng bangkay niya mula Saudi.”

“Sabagay hindi naman siguro totoo na hindi maganda o malas kung may kasamang bangkay sa eroplano. At saka sa pagkakaalam ko, hindi naman nalalaman ng mga pasahero ng eroplano na may kasama silang bangkay.”

“Ganun ba ‘yun Kikoy?”

“Oo naman. Siyempre kung alam ng mga pasahero na may kasama sila sa flight na bangkay, maaaring matakot sila.”

“Oo nga ano.”

“Pero hindi mo talaga matandaan kung sino ang nag-accompany sa bangkay ni Dong?”

“Hindi ko matandaan ang pangalan pero ‘pag nakita ko, makikilala ko.”

“Ang magulang ni Dong, kilala mo ba Mak?”

“Hindi ko rin matandaan ang pangalan ng tatay ni Dong. Sinabi ni Dong sa akin noon pero nalimutan ko.”

“Kung dalawin kaya natin sa San ­Pablo, Mak?”

Napamaang si Makoy. (Itutuloy)

FLORCERFIDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with