^

Punto Mo

Job offer, puwede bang bawiin?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Puwede po bang mag-back out ang kompanya sa kanilang job offer sa akin kahit napirmahan ko na ito at naipaalam ko na sa kanila ang pagtanggap ko sa job offer na inalok nila sa akin? — Red

Dear Red,

Ayon sa kaso ng Paolo Landayan Aragones v. Alltech Biotechnology Corporation (G.R. No. 251736, April 2, 2025) na dinesisyunan at isinapubliko ng Supreme Court kamakailan lang, sapat na ang pagpirma ng job offer upang magkaroon ng tinatawag na employer-employee relationship.

Sa nasabing kaso, inalok ng trabaho ang nagreklamo ngunit bago pa siya makapagsimula ay sinabihan siya ng kompanya na “abolished” o wala na ang posisyong inalok sa kanya bunsod ng global restructuring o reorganization na isinagawa ng kompanya.

Ayon sa Supreme Court, may employment contract na sa pagitan ng nagreklamo at ng kompanya matapos mapirmahan ang job offer. Kahit na may tatlong buwan pa bago magsimula sa trabaho ang nagreklamo matapos niyang mapirhamahan ang job offer, hindi nangangahulugan na wala pang employer-employee relationship. Naantala lamang ang mga obligasyon ng bawat isa—ang pagpasok ng nagreklamo sa trabaho at ang pagbayad ng kompanya ng kanyang sahod pero hindi ibig sabihin nito ay wala pang ugnayan ang dalawa bilang employer at empleyado.

Dahil isa ng empleyado ang nagreklamo matapos niyang mapirmahan ang job offer at wala namang naipresentang sapat na dahilan ang kompanya para sa pag-abolish ng posisyon na inialok sa kanya, ipinag-utos ng Supreme Court na bayaran ng kompanya ang backwages at separation pay ng nagreklamo.

Kaya ang madaling sagot sa iyong katanungan, hindi puwede na basta-bastang mag-back out ang kompanya sa job offer na napirmahan mo na. Maaring maharap sa reklamong illegal dismissal ang kompanya kung wala naman silang sapat na dahilan para sa pagbawi sa trabahong inialaok sa iyo at tinanggap mo na.

JOB OFFER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with