City sa U.S., kailangan pa ng permit para makapagsuot ng sapatos na may takong!
SA lungsod ng Carmel-by-the-Sea, California, ipinapatupad ang isang ordinansa na nag-uutos na ang sinumang magsusuot ng sapatos na may takong na higit sa two inches ang taas at may lapad na mas mababa sa one square inch ay kailangang kumuha muna ng permit sa city hall.
Ipinatupad ang batas noong 1963 upang makaiwas ang pamahalaang lokal sa mga posibleng demanda. Dahil ang mga matatanda at malalaking puno sa lungsod ay nakalitaw na ang mga ugat, posibleng magdulot ng pagkatisod ng mga naglalakad, lalo na sa mga nakasuot ng high heeled shoes o mataas ang takong.
Ang permit ay nagsisilbing paalala sa mga residente at turista na may panganib sa ganitong uri ng sapatos, at kapag nasaktan, hindi maaaring magsampa ng kaso laban sa lungsod.
Bagaman hindi mahigpit na ipinatutupad, ang permit ay libreng mahihingi sa city hall. Maraming turista ang kumukuha nito bilang souvenir.
Kilala rin ang Carmel-by-the-Sea sa iba pang hindi pangkaraniwang batas, tulad ng dating pagbabawal sa pagkain ng ice cream sa downtown area upang mapanatiling malinis ang kalsada.
- Latest