^

Punto Mo

Kapalaran nina FM Sr. at Digong, magkahawig!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

MALUWAG na inamin ni President Bongbong Marcos na ang pagiging mabait niya ang isa sa naging dahilan ng pagkatalo ng ilan sa kanyang kapartido sa nakaraang election. Pero hindi nangangahulugan na weak president siya tulad ng inilarawan ni Digong.

Hindi lang talaga pader ang dibdib ni Bongbong tulad ni Ferdinand Marcos Sr. at ni Digong na kayang ibuwis ang buhay nang maraming kababayan na sumasalungat sa puwersahang programa ng pamamahala. Todas ang sumalungat!

Lumalabas ngayon na ang martial law ni Marcos Sr. ang naging modelong pamumuno ni Digong na ginamit ang PNP at AFP sa pakikipaglaban sa masasamang elementong sumisira sa kaisipan ng mga kabataan. Tokhang sa alipin ng droga at NTF-ELCAC sa mga komunista. Kaya ba maka-Digong si Imee?

Matatandaan na ang tiyuhin ni Bongbong na si dating President Fidel V. Ramos ang isa sa nag-udyok kay Digong para tumakbong Presidente noong 2016 at inayudahan ni Imee. Kung nabubuhay pa si FVR, siguradong kakampi ito ni Imee sa pagtatanggol kay Digong. Halata rin na may pagkiling si dating President Noynoy Aquino sa kandidatura ni Digong noon dahil ang nanay niyang si Cory ang nagpasibol sa political career ni Digong bilang appointed vice mayor ng Davao noong 1986 sa ilalim ng revolutionary government.

Magkahawig ang naging kapalaran ni FM Sr. at Digong na sa mahinang pangangatawan ay sapilitang isinakay sa eroplano para panagutin sa mga bintang ng katiwalian at extra judicial killings sa ibang bansa. Sana naman, makauwi nang buhay si Digong na ‘di tulad ni FM Sr. na malamig na bangkay na nang makabalik.

Sa panahon ni FM Sr., ipinabaril nito ang druglord na si Lim Seng samantalang sa administrasyon ni Digong, kumalat ang balitang may mga kaibigan itong Chinese druglords na nakapagpapasok ng droga sa bansa. Dito nagkasalungat ang dalawa.

ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with