PCSO, itinulak ang agents sa ethical gaming practices!
FLASH report: Nagkagulo ang tabakuhan sa Pasay City dahil sa pakikialam ng kolektor na si Ronald Bautista alyas Tata Onay. Si Tata Onay mga kosa ay hindi lang kolektor ni Pasay City police chief Col. Ronald de Sesto kundi kapitalista pa ng mga sugal lupa. Kaya naman nag-iiyakan ang small time players dahil kinuha ni Tata Onay ang malaking kubrador na si alyas Ben, ang nasa likod nang malakihang kubransa ng lotteng, EZ2, Suertres at ending sa Libertad St., public market, Tramo, motorpool sa Antonio Arnaiz, M. de la Cruz at sa Aurora. Inagaw ni Tata Onay ang matagal nang naipundar at pinagkakakitaan ng mga alagad ni Mayor Emy Rubiano. Nakadagdag si Tata Onay sa pag-init ng ulo ni Rubiano kay De Sesto.
• • • • • •
Umabot sa 460 Lotto at 79 Small Town Lottery agents ang lumahok sa Agents Summit ng Philippine Charity Sweepstakes Office na ginanap sa inilunsad na Foro de Intramuros sa Manila at ang top agenda ay responsible gaming. Sinabi ni PCSO General Manager Mel Robles na ang theme ng summit ay “Beyond the Jackpot: A Commitment to Responsible Gaming” kung saan inihayag niya ang kahalagahan ng agents sa pag-promote ng ethical gaming practices. “As our valued agents, you are not only operators-you are advocates. Your role in promoting responsible gaming and protecting players from exploitative practices is crucial. Together, we must preserve the integrity of our games and shield the public from the illegal operators who prey on vulnerability and misinformation,” ani Robles.
Dumalo rin ang mga featured distinguished guests at experts na nagbigay ng samu’t saring pahayag sa responsible gaming at ang pagsupil sa mga sugal lupa. Si CIDG director Maj. Gen. Nicolas Torre III ay nagsalita sa paglaban sa illegal gambling samantalang si Usec. Gilbert Cruz, ng PAOCC ay nag-discuss ng pagpalaganap ng illegal gambling activities. Sa kabilang banda, si Fe Celebrado, Division Chief ng Product Standard Development Division (PSDD) ay nagbigay ng saloobin para siguraduhin ang fair play at social responsibility; si Department Manager Ramy Cerelles ng Information Technology sa advancement ng PCSO lottery habang si Donald Limcaco ng DFNN ay tungkol sa “lottomatik,” ang bagong betting platform.
Inihayag din ni Robles ang pagsulong ng PCSO ng digital transformation, kasama na dito ang modernized remittance systems, at pagpalawak ng cybersecurity measures. “Ultimately, every bet placed through our legal channels contributes to a higher purpose: funding lives, saving lives,” ani Robles. Sinagot din ni Robles at panel kasama sina chairperson Felix Reyes, Torre at Cruz ang concerns ng agents sa open forum. Nagkaroon din ng panel ang networking sessions kung saan binigyan-diin ang kahalagahan ng partnership, operational innovation, at sama-samang pagkilos patungo sa responsible gaming. Muling pinagtibay ng summit ang vision ng PCSO na transparent at socially responsible gaming environment kung saan ang agents ay hindi lang business partners kundi champion ng public trust at nation building.
- Latest