^

Punto Mo

Flocerfida (27)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI nagpahalata si Kikoy kay Makoy na masyado siyang interesado sa pagkamatay ni Dong. Kaswal lang ang naging pag-uusisa niya.

“Kawawa pala ang nangyari kay Dong ano?”

“Oo nga.”

“Mabait si Dong di ba?”

“Super bait nun, Kikoy. Kami ang madalas magkasama kapag nagja-jogging kung Biyernes ng umaga.”

“Nakikita ko nga kayo nun.”

“Maski ako nabigla sa nangyari.”

“Ano bang nangyari?”

“Basta natagpuan sa kuwarto—nasa kama niya na patay na. Pinuntahan ng mga pulis—isinugod sa ospital pero DOA na raw.”

“Kawawa naman si Dong.”

“Gulat na gulat nga ako. Ganun pala kaikli ang buhay.”

“Pero wala namang nasasabi sa iyo si Dong na maysakit siya sa puso—o kaya high blood siya?”

“Wala naman.”

“Kasi kung lagi siyang nag-eexercise e bakit aatakehin siya sa puso.”

“Yun nga rin ang pinagtataka ko. Healthy siya alam ko.”

“Paano dinala ang bangkay niya sa Pinas?”

“Mabilis ngang naiuwi ang bangkay niya. Nagtataka nga ako kung bakit mabilis.”

“Baka naman mabilis na talaga ang proseso?”

“E yung bangkay ni Max—inabot ng dalawang buwan.”

Napamaang si Kikoy.

“Bakit daw napakadaling i-transport ng bangkay ni Dong?”

“’Yun nga ang pinagtataka ko.”

“Walang sinabing dahilan?”

“Wala. Sino ba naman ang magrereklamo sa madaling proseso ng pagpapadala ng bangkay? Di ba ang nirereklamo ay kadalasang yung matagal na pinadadala ang bangkay sa Pinas? Pero ang kay Dong, super bilis!”

“Sino ang kasama sa pagdadala ng bangkay ni Dong sa Pinas?”

“May isa tayong kasamahan na eksaktong pauwi na rin ng Pinas ng araw na ita-transport ang bangkay ni Dong—siya na lang ang inatasan ng kompanya. Malapit din daw siya sa barangay ni Dong sa San Pablo.”

“Ganun ba?”

“Nalimutan ko lang ang pangalan ng kasamahan natin.”

“Finished contract na siya?”

“Oo.”

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with