^

Punto Mo

‘Krusipiho’ (Part 9)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

ANG nangyari ay parang apoy na kumalat sa kampus. Naging instant hero ako. Ininterbyu pa ako ng campus journalist at nalathala ang story sa pagbagsak ng ceiling fan na muntik nang mabagsakan ang babaing propesor.

Nabanggit din ang suot kong krusipiho sa mga artikulo. Kinunan pa ng photo ang krusipiho.

Dahil sa nangyari, may mga pagbabagong naganap sa unibersidad. Pinalitan lahat ang mga lumang ceiling fan. Naging bago na lahat kaya maraming estudyante at propesor ang natuwa. Kung hindi raw sa kontrobersiyal na pagbagsak ng ceiling fan sa room namin ay hindi mamumulat ang pamunuan ng unibersidad.

Habang binabalikan ko ang pangyayari na pagbagsak ng ceiling fan, natatandaan kong nakahawak ako sa aking krusipiho nang makita ang pagbagsak ng ceiling fan. Para bang ang krusipiho ang nagbulong sa akin na may mangyayari. Nagbabala ang krusipiho na mabilis ko namang naipaabot sa pamamagitan ng pagsigaw.

Dahil sa nangyari, lubos ang paniniwala ko sa krusipiho. At totoo ang sinabi ni Lolo Fernando na ililigtas ako ng krusipihong ipinagkaloob niya sa akin. (Itutuloy)

FIRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with