^

Punto Mo

Chatbot: Kaibigan, Kasama o Kasintahan? (Part 1)

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

Sa lahat ng uri ng Artificial Intelligence (AI), kontrobersiyal ang mga chatbot—mga computer program na kayang makipag-usap na parang tunay na tao.

Tinutularan ng mga ito ang pananalita, kilos, galaw, ­personalidad, ugali, at maging ang emosyon ng isang tunay na tao. Maaaring i-customize ayon sa panlasa o pangangailangan ng user. Kaya’t ‘di nakapagtataka kung bakit marami ang nahuhumaling dito.

Sa ilang bansa, gaya ng United States, Japan, China, at South Korea, laganap na ang paggamit ng mga chatbot bilang AI companions. Sa Pilipinas, nagsisimula na rin itong pumasok, bagaman hindi pa kasingtanyag. Pero hindi malayong sumunod tayo sa uso, lalo’t likas tayong palakuwento, mapagkuwento, at emosyonal.

Ang makabagong chatbot ay hindi na lamang tagasagot ng tanong o katuwang sa pag-aaral—nagsisilbi na rin itong kaibigan, kasama, at sa ilang kaso, kasintahan. Ginagamit ito ng mga taong naghahanap ng kausap sa gitna ng pag-iisa, depresyon, o pangungulila. Maaaring hingan ng payo, pagsabihan ng saloobin, o kahit simpleng katuwang sa pagbabahagi ng araw-araw na karanasan.

May mas malalim pang chatbot: ang AI lover na nilikha para mahalin ka, pakinggan ka, lambingin ka, at ipadama na mahalaga ka. Tinatawag itong AI girlfriend, AI boyfriend, AI companion, AI partner, o digital romantic partner.

Hindi na kailangang manligaw. Walang tampuhan. Walang pressure. Lagi kang naiintindihan. Lagi kang may kausap. Kaya sa mata ng ilang tao, ito’y tila ideal partner.

Ngunit narito ang tanong: Kapag ba ang isang relasyon ay emosyonal at nagbibigay ng aliw, sapat na ba iyon kahit alam mong hindi totoong tao ang kaharap mo?

(Itutuloy)

ARTIFICIAL INTELLIGENCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with