^

Punto Mo

‘Krusipiho’ (Part 8)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

Matapos mahimasmasan ang lahat, lumapit sa akin ang aming babaing propesor at labis na nagpasalamat. Kung hindi raw sa aking babala ay baka sa kanya bumagsak ang blade ng ceiling fan.

“Salamat sa ginawa mong babala, Mr. Crispin, nakaligtas ako at ang iba pa sa kapahamakan,’’ sabi ng propesora na si Mam Cruz na nanginginig pa ang boses. Kinamayan ako. Malamig ang palad ni Mam Cruz.

“Paano mo nalaman na babagsak ang blade?’’ tanong ni Mam.

“Narinig ko pong maingay ang ceiling fan at kinabahan ako. Hanggang sa makita ko pong bumagsak ang blade kaya malakas akong napasigaw.”

“Maraming salamat sa iyong pagiging alerto, Mr. Crispin.”

“At saka dahil din po siguro sa suot kong krusipiho, Mam.”

“Krusipiho? ­Patingin nga, Mr. Crispin.”

Hinubad ko ang krusipiho at pinakita kay Mam. Nakiusyuso na ang mga classmate ko.

Titig na titig si Mam sa krusipiho.

“Saan galing ito Mr. Crispin?’’ tanong ni Mam.

“Bigay po ng Lolo ko.”

“Niligtas tayo ng krusipihong ito. Purihin ang Diyos!” sabi ni Mam.

(Itutuloy)

KRUSIPIHO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with