^

Punto Mo

EDITORYAL - Puwede na bang isabak angK to 12 grads?

Pang-masa
EDITORYAL - Puwede na bang isabak angK to 12 grads?

KAMAKAILAN lang, inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa ginawang hearing sa Senado, na 18.96 milyon na senior high school students na nag-graduate noong 2024 ang hindi marunong bumasa at makaunawa ng simpleng istorya. Sa madaling salita, naka-graduate sila na kulang sa nalalaman o halos walang alam.

May mga hakbang nang ginagawa ang Department of Education (DepEd) para malutas ang kahinaan ng mga estudyante lalo sa larangan ng Math, Science at Reading Comprehension. Maraming junior high school students ang hindi nakaabot sa required proficiency levels. Sa isa pang report, bagsak din ang Pinoy students sa creative thinking assessment na isinagawa ng Programme for International Student Assessment (PISA) noong 2022.

Sa kabila naman ng problema sa kahinaan ng mga estudyante, sinabi ng Malacañang na maari nang magtrabaho sa government sector ang mga nagtapos ng senior high school, ayon sa utos ni President ­Ferdinand Marcos Jr. kamakailan.

Sinabi ni Presidential Communications ­Undersecretary Atty. Claire Castro, binuksan ng  ­pamahalaan ang entry level positions sa mga ­nakatapos ng K-12 program. Layunin umano nito na mapalawak ang pagkakataon para makapagtrabaho sa public sector ang mga nagtapos ng programa.

Kasabay sa direktiba ng Presidente, naglabas naman ang Civil Service Commission (CSC) ng Resolution No. 2500229 na nag-aamyenda sa mga ­kuwalipikasyong kailangan para sa mga nagtapos ng junior high school (Grade 10) at senior high school (Grade 12). Ang mga kukunin ay mga nagtapos mula 2016.

Ayon kay Castro, tatanggapin din sa gobyerno ang mga nagtapos ng technical-vocational track na may TESDA NC II certification. Sa bagong alituntunin ng CSC, inamyendahan ang mga dating qualification requirements para sa mga posisyong clerical, custodial, at iba pang sub-professional upang iayon sa pagkuha ng empleyado na nagtapos sa K to 12 program.

Maganda ang hakbang na ito ng pamahalaan na pinapayagan nang makapagtrabaho sa pamahalaan ang mga  nagtapos sa ilalim ng K to 12  program. Sa panahon ngayon na marami ang walang trabaho, ang pagbubukas para sa graduates ng K to 12  ay makababawas sa problema ng unemployment.

Ang malaking katanungan ay makalusot kaya sa trabaho ang mga bagong graduates. Hindi kaya sila mangamote sa haharaping trabaho sa gobyerno? Hindi kaya sila bumagsak sa mga unang buwan nang pagharap sa responsibilidad dahil sa kawalan ng sapat na kaalaman o kasanayan? Dapat na rebyuhin munang mabuti kung tama ba ang hakbang na ito. Baka makumpromiso ang paglilingkod sa taumbayan.

PSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with