Reklamo sa kapitbahay, dapat pa bang dumaan sa barangay?
Dear Attorney,
Matindi po ang paninira sa akin ng kapitbahay namin sa social media kaya balak kong magsampa ng cyberlibel. Kailangan bang dumaan sa barangay ang aking reklamo? —Mikee
Dear Mikee,
Hindi mo na kailangang idaan sa barangay ang iyong reklamo. Ayon sa Section 408 ng Local Government Code, hindi na covered ng barangay conciliation ang mga kasong may kinalaman sa mga krimen na may parusang aabot ng higit sa isang (1) taon na pagkakakulong o multa na hihigit sa limang libong (P5,000) piso.
Nakasaad naman sa Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 na ang cyberlibel ay pinaparusahan ng pagkakakulong na naglalaro mula sa anim (6) na buwan at isang araw hanggang anim (6) na taong pagkakakulong at pagmumulta ng 200 hanggang 6,000 pesos.
Dahil ang maximum na maaring ipataw sa isang mahahatulan ng guilty sa salang cyberlibel ay anim (6) na taon at multang aabot ng anim na libong piso (P6,000), hindi na ito sakop ng patakaran ukol sa barangay conciliation kaya maaari ka nang dumiretso sa piskalya upang doon ihain ang iyong reklamo.
- Latest