Flocerfida (23)
“E saan ka nakatira ngayon Kikoy?” tanong ni Makoy.
“Sa Lardizabal sa Sampaloc. Dati sa may riles ng tren ako sa Antipolo St. malapit sa Dapitan pero mula nang kaliwain ako ng ka-live in ko, binitawan ko na ang apartment at lumipat sa mas maliit,’’ sabi ni Kikoy.
“Mabuti at may natira ka pang pang-down sa apartment?”
“May naitabi akong kaunti sa ATM at ‘yun ang ginamit ko. Pero after makalipat ako, nagkasakit naman ako, naospital ako. Nagkautang ako sa isang kakilala. Mabuti at gumaling ako. Hanggang sa unti-unti akong nakarekober sa mga nangyari sa akin. Awa ng Diyos, natanggap ko na ang kapalaran.”
“Grabe pala talaga nangyari sa iyo.”
Napatango si Kikoy.
“Mabuti at ako ang naisipan mong kontakin para makuha ang separation pay mo?”
“Ikaw lang ‘yung natandaan ko.”
“E paano mo nalaman ang address ko?” tanong ni Makoy.
“May nakita akong kapirasong papel na nakasulat ang name mo at address. Ibinigay mo sa akin ‘yun nung nagpatulong ka regarding SSS.”
“Ah oo. Naalala ko na.”
“Kaya ko nalaman itong address mo.”
Maya-maya tumayo si Makoy at kinuha ang isang black label.
“Uminom tayo, Kikoy.”
“Sige, pero konti lang.”
“Oo. Para sumarap lang ang kuwentuhan natin.”
Kung saan nadako ang kuwentuhan.
“Wala kang ka-live in ngayon, Kikoy?”
“Wala.”
(Itutuloy)
- Latest