^

Punto Mo

‘Krusipiho’ (part 6)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

ISANG araw bago ako magtungo sa Maynila para mag-aral ng kolehiyo, ibinigay sa akin ni Lolo Fernando ang krusipihong kahoy na kanyang inukit.

“Ingatan mo sana ang krusipihong ito, Crispin. Lagi mo itong isuot sa lahat nang oras,’’ sabi ni Lolo matapos isuot sa dibdib ko ang krusipiho.

“Opo, Lolo.”

“Ililigtas ka nito sa kapahamakan at lahat ng mga iyong gagawin o mga pagsubok ay magiging magaan sa iyo. Lalapitan ka ng mga biyaya at magiging maluwag ang iyong buhay,” sabi pa ni Lolo.

“Tatandaan ko po ang mga sinabi mo Lolo.”

“Salamat Crispin.”

Anim na buwan na ako sa Maynila nang matanggap ko ang balitang namatay si Lolo Fernando. Edad 90 siya. Bago raw nalagutan ng hininga ay ang pangalan ko ang sinasambit.

Umuwi ako ng probinsiya para makita sa huling pagkakataon si Lolo.

Habang nakatingin ako kay Lolo na nakahimlay sa kabaong, hawak ko ang krusipiho at inulit ang pangako na iingatan ko ang krusipiho. Lagi ko itong isusuot saan man pumunta.

Hanggang may mangyari, isang buwan makaraang mamatay si Lolo.

(Itutuloy)

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with