^

Punto Mo

Yorkie na aso sa Canada, posibleng pinakamaliit na aso sa buong mundo!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG aso na may sukat na 3 inches ang umani ng atensiyon sa Canada matapos mapansin ang kakaibang liit nito, at ngayon ay pinaniniwalaang maa­aring siyang maging Guinness World Record holder bilang pinakamaliit na aso sa buong mundo.

Ang aso ay si Lulu, isang Yorkshire terrier na pag-aari ni Kim Passero, residente ng Loretto, Ontario. Ayon kay Passero, bagaman maliit si Lulu sa sukat, hindi ito hadlang sa kanyang pagiging masigla at palaban.

Sa kasalukuyan, ang may hawak ng titulo ng World’s Shortest Dog ay isang Chihuahua na si Pearl, na may taas na 3.59 pulgada. Ngunit ayon kay Passero, si Lulu ay mas maliit pa at nasa 3 pulgada lamang ang taas nito.

Gayunman, hindi pa siya maaaring pormal na sukatin ng Guinness World Records hangga’t hindi siya umaabot ng isang taong gulang. Sa ngayon, si Lulu ay apat na buwang gulang pa lamang.

Bagaman maaga pa para sa pormal na pagkilala, umaasa si Passero na sa pagtanda ni Lulu ay makikilala ito hindi lang sa kanyang liit kundi pati na rin sa kanyang personalidad.

“Siya ang patunay na kahit gaano ka kaliit, puwedeng lumaban,” ani Passero.

Sa ngayon, inaabangan nang marami ang susunod na kabanata sa kuwento ni Lulu, ang posibleng pagkakaroon niya ng opisyal na pandaigdigang titulo.

ASO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with