^

Punto Mo

2025 midterm elections, mas matahimik! – PNP

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

MABABA ang election-related incidents ng nakaraang 2025 midterm elections, mababa rin ang vote buying, mas mabilis matapos ang canvassing at lalo na ang pagproklama ng mga nanalong kandidato. ‘Yan mga kosa ang napansin ng opisina ni Comelec chairman George Garcia sabay sabing may glitches man o 311 ang nasirang makina subalit mas mababa ito sa libu-libo noong nakaraang elections at napalitan kaagad nila.

Kaya bigyang pugay natin mga kosa, hindi lang ang Comelec, kundi maging ang PNP, AFP at mga titser, dahil pursigido nilang ipinatupad ang kanilang tungkulin para sa peaceful and orderly elecitons. E di wow!

Pagkatapos nitong elections, ang panalangin ng mga kosa ko ay sana matapos na ang bangayan ng kampo nina President Bongbong Marcos at VP Sara Duterte at tutukan nila ang ekonomiya ng bansa nang sa gayon ay bumaba ang presyo ng bigas at iba pang bilihin. Mismooo! Hehehe! Mukhang next to impossible na ‘yan! Ano sa tingin mo Ate Claire Castro?

Sa parte naman ng PNP, sinabi ni PNP PIO Col. Randolf Tuaño na mas mababa ang elections-related incidents ngayon kumpara sa nakaraang halalan dahil ang naitala lamang na insidente at ang sa BARMM at Abra. Subalit itong mga insidente ay isolated lamang, dahil sa hindi naman ang mga ito nagresulta ng postponement ng elections.

Ayon pa kay Tuaño ang gun ban violators ay umabot sa 3,100 at ang nakumpiskang armas at nasa 3,190 hanggang noong election day mismo. Umabot din sa 232 katao ang naaresto sa liquor ban samantalang 43 kaso ng vote-buying at vote selling ang nailista sa buong Pinas.

Sa mga recorded na insidente sa election period, sinabi ni Tuaño na 50 ang inaresto, 22 at large pa at 24 suspects ang na-release na. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa araw mismo ng elections, may 27 kaso ang naitala ng PNP at kasama sa mga ito, ayon kay Tuaño, ay ang shooting incidents sa BARMM, sa Negros Island Region, at sa Cordillera Ad­ministrative (CAR). May tatlong explosions din na ini-report sa BARMM samantalang dalawang kasong pambubugbog ang naitala sa CAR. Nagkaroon din ng kasong strafing, robbery, sunog, suspected flying voters at delay o glitches sa Automated Counting Machines (ACMs), ani Tuaño.

Kung sabagay, maikli ang listahang ito ng election day incidents kung ikukumpara sa mga nakaraang elections kung saan may mga nagbuwis pa ng buhay. Sanamagan! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Dahil sa accomplishments na ito, malugod na pinapurihan ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang kapulisan, at mga partner agencies dahil sa kanilang dedikasyon at disiplina sa pagpatupad ng kani-kanilang elections duties.

“The Filipino people deserve nothing less than a peaceful and honest election. We did not allow any force to interfere with the voice of the nation. We were ready, we were vigilant, and we delivered,” ayon kay Marbil. 

Nanindigan si Marbil na walang pulis, mula sa national headquarters hanggang sa ibabang units, ang naireport na nakialam sa elections. “Higit sa lahat, sinunod nila ang utos ni chief PNP na manatuling walang kinikilingan bilang lingcod bayan,” ayon kay Tuaño.

“Ang pinakitang disiplina at propesyunalismo ng mga pulis ay patunay na ang kanilang tunay na hangarin ay maglingkod sa taumbayan at sa ating bansa at dahil dito kami ay nagpupugay sa ating mga miembro ng PNP,” dagdag ni Tuaño. Mabuhay ang PNP at mga government agencies na nagtrabaho sa 2025 midterm election. Abangan!

ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with