Florcerfida (22)
“NANG hindi ka dumating after one month, marami sa mga kasamahan natin ang nagtaka. Kanya-kanyang tanong pero walang makuhang impormasyon kung bakit hindi ka nakabalik. Walang nakakaalam kung saan ka nakatira at wala ka rin yatang phone,’’ sabi ni Makoy.
“Oo. Palipat-lipat kasi ako ng address nun. ‘Yung dati kong address na nasa HR ay luma at pati ang phone.”
“Pero na-inform mo ang HR na may nangyari sa iyo?”
“Oo naman. Nag-fax ako after one month sa kanila. Hindi ko lang alam kung natanggap. Ipinaliwanag ko ang problema.”
“E siguro natanggap dahil walang problema sa pag-release ng separation pay mo. Mabuti at nagawa mo pa ‘yun kahit malaki ang problema mo.”
“Hindi ko nga alam kung paano ko nagawa ‘yun—nalimutan ko na.”
“E paano ‘yung mga nawala sa’yo—yung natangay sa iyo ng ka-live-in mo?” tanong ni Makoy.
“Wala na ‘yun. Ipinagpasa-Diyos ko na lang.”
“Sabagay wala ka nang magagawa pa.”
“Nagkaroon ako ng aral, Makoy—masyado akong nagtiwala. Ang akala ko, ‘yun na ang babae sa buhay ko—hindi pala. Lokohin talaga ako ng babae.”
“Hindi ka na nagtitiwala sa tsik?”
Tumango si Kikoy. (Itutuloy)
- Latest