^

Punto Mo

Mga impormasyong kapaki-pakinabang

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Senyales na “mature” ka na:

1. Kahit alam mong nagsisinungaling ang kausap mo, ­ngingiti ka lang at tatalikuran mo ito.

2. Mas masaya ka kung walang nakaaalam ng tungkol sa buhay mo.

3. Mas nauunawaan mo na mas importante ang iyong mental health kaysa toxic relationship.

• Love psychology:

1. Kapag iniisip mo ang taong minamahal mo, hindi siya makakatulog.

2. Kapag narinig mo ang pangalan ng minamahal mo, lumalakas ang kaba ng dibdib mo.

3. Kapag tinitigan mo ang taong minamahal mo at ibinaba niya ang tingin, senyales iyon na mahal ka rin niya.

4. Tumataas ang boses ng babae kapag nagpi-flirt siya.

5. Mas malakas ang dating kung ibubulong mo sa kaliwang taynga ang mga katagang “I love you”.

6. Para malaman kung magugustuhan ka ng crush mo, magpatawa ka. Kung napapatawa mo siya lagi, mabilis mo na siyang mapapaibig.

• Psychology facts:

1. Kung mahilig kang tumagilid kapag natutulog, ikaw ay emosyunal at sensitive. Kung nakatihaya ka lagi, malakas ang tiwala mo sa sarili at lagi kang kalmado.

2. Ang mabilis lumakad ay masikap pero mainipin. Ang marahang maglakad  ay mapagmasid at tahimik lang.

3. Ang pagsasalita nang mag-isa ay nagpapalakas ng memory, nagpapatalas ng isipan at mabilis mag-isip ng solusyon sa problema.

4. Kapag nahahawa kang humikab pagkatapos makakita ng naghihikab, iyon ay palatandaan na may deep sense of empathy ka sa nadadama ng ibang tao.

INFORMATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with