^

Punto Mo

Babaing acrobat, binitin sa buhok ng 25 minuto para sa Guinness Records!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG pambihirang tanawin ang nasaksihan kamakailan sa gitna ng katahimikan ng Redwood National and State Parks kung saan may isang babae ang ­nakabitin sa ere gamit ang kanyang buhok.

Si Leila Noone, isang 39-anyos na ­professional circus performer, ay nagtagumpay na ma-break ang Guinness World Record para sa titulong “Longest time suspended by the hair”, matapos manatili sa ere sa loob ng 25 minuto at 11.3 segundo.

Hindi basta stunt o palabas ang ginawa ni Noone. Ayon sa kanya, ito ay resulta ng mahigit ­dalawang taong ­matinding training, kabilang ang physical and mind conditioning. Layunin niyang mapatuna­yang kaya ng tao ang mga imposible basta’t buo ang determinasyon.

“Hindi lang ito tungkol sa katawan, ito’y laban din ng isipan,” pahayag ni Noone matapos ang matagumpay na record breaking attempt. Nahigitan niya ang dating record na 23 minuto at 19 na segundo na ginawa ng Australian na si Suthakaran Sivagnanathurai noong 2011.

Ang kakaibang pagtatanghal ay isinagawa sa pagitan ng higanteng redwood trees ng California. Ayon sa performer, hindi lamang ito para sa record kundi para ipakita rin ang ugnayan ng sining, disiplina, at kalikasan.

 

GUINNESS WORLD RECORD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with