^

Punto Mo

EDITORYAL — Paano ang iba pang may show cause order

Pang-masa
EDITORYAL — Paano ang iba pang may show cause order

MARAMING kandidato ang inisyuhan ng Commission on Election (Comelec) ng show cause order dahil sa iba’t ibang paglabag habang nangangampanya. At isa sa mga naisyuhan ng show cause order ay si Pasig congressional candidate Christian “Ian” Sia kaugnay sa pagbibiro niya sa mga single mother na maari raw sumiping sa kanya. Maraming nagreklamo kay Sia at sinampahan siya ng disqualification case. Ilang araw bago ang May 12 elections, dinisqualify si Sia. Sabi ng Comelec kung mananalo si Sia sa election, sususpendihin nila ang proklamasyon nito.

Pero si Sia pa lamang ang nadi-disqualify. Paano ang iba pa na inisyuhan din ng show cause order? Kung na-disqualify si Sia, dapat ganito rin ang gawin sa iba pang nagkasala. Dapat parehas ang Comelec sa pagpapataw ng disqualification. Patawan din ang iba pang sumobra sa pagbibiro.

Gaya ng pagbibiro ni Editha “Wowee” Manguera na tumakbong mayor sa Pasay City. Ayon sa Comelec, sinabi ni Manguera sa campaign rally nito na “Tanggalin na natin ang Bumbay para wala nang amoy sibuyas na naiiwan sa Pasay Gen.” Maraming nagtawanan sa sinabi ni Manguera. Ang tinutukoy ni Manguera ay ang mga dayuhang estudyante na nag-aaral at nag-i-intern sa Pasay City General Hospital.

Ayon sa Comelec, nilabag ni Manguera ang Comelec Resolution No. 11116 (Anti-Discrimination and Fair Campaigning Guidelines). Inisyuhan siya ng show cause order.

Isa pang inisyuhan ng show cause order ay si Davao de Oro Rep. Ruwel Peter Gonzaga dahil sa sexual remarks nito sa tatlong magkakahiwalay na events. Ayon sa Comelec, sinabi ni Gonzaga, “May mga gawain ang mga lalaki na tinatanong niya na kaya rin bang gawin ng mga babae? Kaya? Mas matindi nga siguro ang mga babae sa mga lalaki. Ang mga lalaki magaling kayong umiyot. Kayo bang mga babae magaling ba kayong umiyot? O mas magaling pa kayo sa mga lalaki­? ‘Yan ang mga tanong na dapat ninyong sagutin, bakit? Sasabihin niyo agad kaming mga babae, equal kami sa mga lalake. Pero hindi na ‘yan totoo nga­yon. Hindi na talaga. Kasi karamihan sa mga babae, pinipili na lang kung saan sila. Sa ilalim ba o sa ibabaw?”

Ang pagkaka-disqualify kay Sia ay dapat maghatid ng aral sa iba pang kandidato na huwag magbiro sa harap ng mga tao para lamang makapagpatawa. Ang matindi pa, gumagamit ng ibang tao para makapag­patawa. Ilagay sa tamang panahon ang pagbibiro at ‘yung walang masasaktang damdamin. Ang hindi pinag-isipang pagbibiro ang maghahatid sa pagkatalo at pag­bagsak.

SHOW CAUSE ORDER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with