^

Punto Mo

‘Krusipiho’ (Part 2)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

IPINAGMALAKI ni Lolo Fernando na ang pinakamaganda niyang nagawang lilok ay ang krusipiho ng nakapakong Kristo. Iyon daw ang ka­una-unahan niyang nalilok na nagpamulat sa kanya na may talent siya sa wood curving. Basta natuklasan daw niya na inuukit ang nakapa­kong Kristo sa ga-brasong sanga ng Mabolo.

“Ibig mong sabihin, Lolo wala ka naman tala­gang balak na maglilok noon?”

“Wala, Crispin. Ako siguro ay 20-anyos noon. Sa silong ng aming bahay ay maramng nakatambak na panggatong. Masipag ang aking ama na magputol ng mga kahoy dahil uso pa noon ang pagka-kaingin. Iba’t ibang klase ng kahoy ang pinuputol nila sa gubat. Pagkaraang sunugin ang mga kahoy, isa-isang iipunin ang mga kahoy na hindi nasunog at ‘yun naman ang igagatong para sa pagluluto.

“Isang hapon, namataan ko ang ga-brasong sanga ng Mabolo. Maganang kahoy ang mabolo at mamula-mula ang kulay. Pinagtiyagaan kong putulin ang sanga gamit ang matalas na itak.

“Unti-unti kong kinortehan ng krus. Hang­gang sa mabuo ko na isang krusipiho. Kasing­laki ang krusipiho ng mga sinusuot ng pari. Nang matapos kong lilukin ang krusipiho nang nakapakong Kristo, masayang-masaya ako. Hindi ko maipaliwanag ang kasi­yahan. Para bang nakalikha ako ng isang obra,’’ sabi ni Lolo.

“Nasan ang krusipiho Lolo?”

“Sandali at kukunin ko.”

Nang makuha ni Lolo ang krusipiho at ipinakita sa akin, hindi ako makapaniwala. (Itutuloy)

JESUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with