^

Punto Mo

Bagong world record sa baraha, naitala ng isang kompanya sa China!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG pambihirang kolaborasyon ng mga eksperto sa domino at isang kompanyang gumagawa ng bintana at pinto ang nagbunga ng bagong Guinness World Record matapos matagumpay na pabagsakin ang 51,725 na mga baraha na parang mga domino!

Ang proyekto ay isinagawa ng Foshan Sunhohi Smart Home Technology Co. sa loob ng kanilang “Ultimate Space”, isang pasilidad na idinisenyo gamit ang wind-proof na mga bintana upang mapigilan ang kahit anong paggalaw ng hangin na ma­a­aring makasira sa maingat na pagkakaayos ng mga baraha.

Pinangunahan ng Wang Lei’s Domino World, isang kilalang grupo na may pitong Guinness World Records, ang pagsalansan ng bawat baraha nang patayo.

Hindi naging madali ang kanilang tagumpay dahil dalawang beses silang nabigo sa unang mga pagtatangka noong April 9 at 10 dahil sa hindi inaasahang pagbagsak ng mga baraha habang inaayos pa lamang ang mga ito.

Sa kabila ng matitinding simulated typhoon conditions sa labas ng pasilidad, upang patunayan ang tibay ng mga bintana at pinto nito, nanatiling matatag ang pagkakaayos ng mga baraha.

Sa huli, matagumpay na naituloy ang pagpapa­bagsak ng lahat ng 51,725 baraha nang sunud-sunod, gaya ng domino. Kalaunan ay kinilala ito ng Guinness World Records bilang ang “most playing cards toppled in a domino fashion”.

Nasa 51,725 na mga baraha ang bumagsak na parang mga domino at nagkamit ng Guinness World Record.

CARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with