^

Punto Mo

‘Kutsara’ (Part 6)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

BINUKSAN ko ang pinto para tingnan ang mga bumagsak na kutsara sa loob.

Pero gaya ng dati, walang mga kutsara sa sahig! Malinis na malinis! Gumapang muli ang kilabot sa katawan ko. Maraming beses nang nangyayari ang pagbagsak ng mga kutsara pero wala naman akong makita.

Dahil sa mga nangyayari, ipinasya kong umuwi sa probinsiya ng sumunod na Sabado. Kailangang masabi ko kay Nanay at Tatay ang mga kakatwang nangyayari na naaapektuhan na ang aking pag-aaral. Pati ang pagdu-duty ko sa ospital ay apektado na rin. Pakiramdam ko, laging may babagsak na kutsara sa sahig.

Gulat na gulat sina Nanay at Tatay nang dumating ako.

“Anong nangyari Leonora?’’ tanong ni Inay na alalang-alala.

“May sasabihin akong importante Nanay?’’

“Ano ‘yun?”

Si Tatay ay hindi mapakali.

Sinabi ko ang mga nararanasang pagbagsak ng mga kutsara sa sahig.

Takang-taka sina Nanay at Tatay. Hindi nakapagsalita.

“Maraming beses na po. Natatakot ako,’’ sabi ko.

Hanggang may naisip si Tatay.

“Mabuti pa tawagin ko si Nanang Felisa. Nagtatawas iyon. Baka malaman natin kung bakit may mga nagbabagsakang kutsara.”

“Mabuti pa nga,’’ sabi ni Nanay.

(Itutuloy)

KARANASAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with