^

Punto Mo

Florcerfida (7)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HABANG nasa bus ­patungong Maynila ay lumilipad ang isip ni Kikoy. Akalain ba niyang ang paghahatid niya ng sulat ni Dong ay magbubukas ng isang masalimuot na pangyayari. Duda si Tatay Victor sa pagkamatay ni Dong at bihira raw magkamali ang kutob niya.

Kahit sinabi ni Tatay Victor na hindi naman siya naghahangad ng hustisya para kay Dong dahil parang imposible na, naroon pa rin ang pagnanais niya. Siguro nga ay malakas ang kutob niya na may masamang nangyari kay Dong.

Binalikan ni Kikoy ang ­huling pag-uusap nila ni Dong nang ibigay nito ang sulat para sa ama na ipinakikisuyong ihulog. Pero ang sabi niya kay Dong ay dadalhin na lamang niya sa San Pablo dahil kabisado naman niya ang lugar. Ilang beses na siyang nakarating sa San Pablo.

Sabi ni Dong sa kanya, mahalaga ang nasa sulat na para nga sa ama nito na si Tatay Victor. Nagbiro pa nga siya kay Dong na baka pera ang laman dahil makapal ang sulat. Sabi ni Dong ay hindi raw pera ang laman.

Pero natatandaan niya, parang may gusto pa sanang sabihin sa kanya si Dong ng gabing iyon pero hindi na nito nasabi dahil biglang may tumawag sa kanya sa telepono.

Hindi na sila nagkausap ni Dong at umuwi na nga siya ng Pinas kinabukasan.

Pero kung totoo ang hinala ni Tatay Victor na may foul play sa pagkamatay ni Dong, sino ang gumawa? At ano ang dahilan?

Parang wala siyang makitang dahilan para patayin si Dong? At saka mahigpit sa Saudi. Siyempre, ­iimbestigahan ng mga pulis at kapag may nakitang kaduda-duda sa pagkamatay, iimbitahan ang mga kasama sa silid at ang mga huling nakausap. Tatanungin ukol sa pagkamatay ni Dong.

Sabi ni Tatay Victor, atake sa puso raw ang kinamatay ni Dong base sa nakalagay sa death certificate. Ang pagkakamali raw ni Tatay Victor, hindi niya naipa-autopsy ang bangkay ni Dong.

Gulung-gulo raw ang isipan niya noon. Hindi niya naisip. Lumipas pa ang ilang buwan saka niya naisip na paano mamamatay sa heart failure ang katulad ni Dong na walang bisyo sa katawan.

Pero duda lang daw niya iyon. Hindi rin siya sigurado, sabi ni Tatay Victor.

Inalala ni Kikoy ang mga kasamahan na kausap ni Dong. Tanging si Markos o Makoy ang natatandaan niya.

Pero wala sa itsura ni Makoy na gagawa ng masama sa kapwa. Mabait si Makoy na sa tingin niya ay babakla-bakla.

Walang maisip si Kikoy na maaaring gumawa nang masama kay Dong.

Baka nga totoong inatake sa puso si Dong. (Itutuloy)

FLORCERFIDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with