^

Punto Mo

Bigas na P20/kilo, pagkain daw ng baboy, ani Sara

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

BINULIGLIG ng kritisismo ang ginawang pahayag ni Vice President Sara Duterte hinggil sa pamamahala ng gobyerno sa pag­papababa ng presyo ng bigas. Sinabi kasi ni Sara na bagay lang daw na “pagkain ng baboy” ang uri ng bigas na mabibili sa merkado. Haaa?

Kung ikukumpara sa mga first class na imported whole milled rice na kinakain ng mga milyonaryo ay talagang mas mababang uri ang bigas na ang presyo ay P20.00 pero hindi ito pagkain ng baboy. Iba po ang animal feed grade na bigas. Hindi porke’t mahirap na pamilya ay pambaboy lang ang uri ng bigas ang dapat kakainin. Paki-check lang!

Hindi naman papayagan ng mga political strategists ng kampo ni President Bongbong Marcos ang ganitong kaistupiduhan sa panahon ng eleksiyon. Pang-engganyo nga sa mahihirap, eh bakit mo naman bababuyin pa!

Nakapagtataka na hindi pa naiihatid sa merkado ang bigas ay may kumalat na kaagad sa social media na litrato nang binubukbok na bigas. Nataon sa paglilibot ni Sara sa iba’t ibang lugar para dumalo sa mga political rally ng PDP. Para gantihan ang mga congressman na bumoto para siya ma-impeach?

Nahalata tuloy na ang ginawang pagdalo ni Sara sa political rally ni Isko Moreno sa Maynila ay may bahid ng paghihiganti kina 6th District Representative Benny Abante at 3rd District Representative Joel Chua. Malamang na madamay si Isko sa ngitngit ng karamihang Manileño. Huwag naman sana!

Natural lamang sa pulitika ang magbangayan at mamili ng boto pero sana naman ay huwag namang balahurain ang mga mahihirap na mamamayan. Pinagnanakawan na nga, eh halos duraan pa sa mukha dahil sa pagiging dukha? Wait lang!

Strike anywhere na ang ginagawa ni Sara kahit hindi niya kapartido ang entablado basta maihatid lang ang ngitngit na nakabaon sa dibdib. Pang 2028 Presidential election na ang hatid, di ba?

Lalo lamang nalalagay sa alanganin ang mga kandidato sa inaakyatang entablado sa ginagawa ni Sara na pambubuska sa mga itinuturing nitong kalaban sa pulitika. Ang pulitika ay pagdaragdag ng kakampi at hindi pagtataboy sa mga undecided voters na kabilang sa silent majority. Dapat sigurong magpalit ng political strategists si Sara!

Hindi porke’t mataas ang approval rating ni Sara ngayon ay may forever. Tandaan!

BIGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with