^

Punto Mo

Mga robot, nakipagkarera laban sa mga tao sa half-marathon sa Beijing!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SA kauna-unahang pagkakataon, sumabak ang 21 huma­noid robots sa isang half-marathon sa Beijing, ngunit imbes na magpakitang-gilas, mas naibunyag ang kanilang mga kahinaan!

Idinaosa ng tinaguriang “World’s First Huma­noid Robot Half-Marathon” kasabay ng 2025 Beijing Yizhuang Half Marathon. Layunin sanang ipakita ng mga robotics companies, karamihan mula sa China, ang umano’y pag-usbong ng kanilang teknolohiya. Subalit sa halip na mangha, marami ang napailing sa naging takbo ng mga robot.

Habang ang mga libo-libong tao ay mabilis na tina­tahak ang 21-kilometer route, ang mga robot ay nakitaan ng mga seryosong problema. May mga robot na bumagsak agad sa starting line, habang ang iba nama’y umiikot sa lugar o lumihis sa direksyon. Mayroon pang mga robot na kinailangan buhatin at ayusin ng kanilang mga human handlers sa gitna ng karera.

Ang nagwaging robot na si Tiangong Ultra ay nagtapos sa loob ng 2 hours and 40 minutes, malayo pa rin ito sa bilis ng totoong men’s champion na nagtala ng 1 hour and 2 minutes. Sa kabila ng tagumpay ni Tiangong Ultra, ilang beses pa ring kinailangan palitan ang kanyang batteries.

Hindi rin nakaligtas sa puna ang mabagal na pag-usad ng mga robot, kung saan literal na naglalakad lamang sila, habang mabilis na nilalagpasan ng mga human runners. Sa social media platform na Weibo, tinawag pa ng ilang netizen ang event na isang “comedy show” kaysa seryosong pagpapakitang gilas ng mga robot.

Bagama’t ipinagmamalaki ng mga robotics companies ang pagsali ng kanilang mga humanoid creations, ipinakita ng event na malayo pa ang kailangang tahakin ng industriya bago tuluyang makalikha ng mga robot na kayang sumabay sa tao.

ROBOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with