^

Punto Mo

Kailangan bang may abogado pagharap sa DOLE/NLRC?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Puwede bang ako lang ang mag-represent sa sarili ko sa labor case na aking isinampa? Puwede ba akong dumalo ng hearing kahit wala akong kasamang abogado? Paano po sa paggawa ng position paper? —Jean

Dear Jean,

Ayon sa Labor Code, pinapayagang humarap ang isang hindi abogado sa mga pagdinig ng NLRC sa mga sumusunod na sitwasyon: (1) kung ang haharap mismo ang siyang nagreklamo; (2) kung siya ay kinatawan ng isang organisasyon o ng mga miyembro nito na sangkot sa kaso.

Ang pagharap na tinutukoy ng batas ay maaring oral o written kaya kahit hindi abogado ay maaring magsumite ng position paper, basta pasok sa mga sitwasyong nabanggit.

Batay sa iyong nabanggit na ikaw mismo ang nagsampa ng labor case, maaring ikaw mismo ang mag-representa sa iyong sarili.

Gayunpaman, hindi pa rin matatawaran ang pagkuha ng serbisyo ng isang abogado lalo na kung may mga kumplikadong isyu ukol sa batas ang iyong kaso. Kung sa tingin mo ay may mga aspeto ang iyong kaso na isang eksperto lamang sa batas ang maaring makaintindi nang lubusan, mas mainam na kumuha ka ng abogado na maaaring humawak ng iyong kaso.

LAWYER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with